Huwebes, Marso 22, 2012

KOMUNIKASYON : DEPINISYON at HALAGA

 Ayon kay Webster ang komunikasyon ay ang akto ng pagpapahayag ng ideya sa pamamagitan ng pasalita o pasulat na paraan.Inilarawan naman nina Greene at Petty,sa aklat nilang Developing Language Skills ang komunikasyon bilang isang intensyunal o konsyus na paggamit ng anumang uri ng simbolo upang makapagpadala ng katotohanan,ideya,damdamin o emosyon mula sa isang indibidwal tungo sa iba.Samakatuwid,ang komunikasyon ay maaaring magamit para sa mabuti o masamang layon.Kapag tinatangka sa komunikasyon ang tuklasin o ihayag ang katotohanan,pagyamanin ang mga aspetong nagpapabuti sa kalidad ng buhay ng tao,ang komunikasyon ay mabuti.Ngunit kapag sinisira o binabaluktot ang katotohanan sa komunikasyon,nililito o nililihis ang mga mamamayan sa kabutihan ang komunikasyon ay masama.

URI  NG PROSESONG PANGKOMUNIKASYON

Ang komunikasyon o pakikipagtalastasan- ay proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng mga simbolikong cues na maaaring berbal o di-berbal.ng pagkakabuklod-buklod tungo sa isang partikular na mithiin.

KOMUNIKASYONG INTRAPERSONAL-ito ay tumutukoy sa komunikasyong pansarili.Sangkot dito ang pag-iisip,pag-alala,at pagdama mga prosesong nagaganap sa internal nating katauhan.

KOMUNIKASYONG INTERPERSONAL-ito naman ay tumutukoy sa komunikasyong nagaganp sa pagitan ng dalawang tao o sa pagitan ng isang tao o maliit na pangkat.Ang uri ng komunikasyong ito ang humuhubog ng ating ugnayan o relasyon sa ating kapwa.

 KOMUNIKASYONG PAMPUBLIKO -ito naman ay tumutukoy sa komunikasyong nagaganap sa pagitan ng isa at malaking pangkat ng mga tao

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento