Martes, Marso 13, 2012


Anu nga ba ang Wika?
Ayon kay Archibalb A.Hill sa kanyang  papel na What is Language? Ang Wika ang pangunahin at pinakaelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao.Ang simbolikong ito ay binubuo ng mga tunog na nalilikha ng aparato sa pagsasalita at isinasaayos sa mga klase at patern na lumilikha sa isang komplikado at simetrikal na istraktura.
                                  MGA TEORYA NG PINAGMULAN NG WIKA
1. Teoryang Bow-wow.Ayon sa teoryang ito,maaaring ang wika raw ng tao ay mula sa panggagaya sa mga tunog ng kalikasan.
2.Teoryang Pooh-pooh.Unang natutong magsalita ang mga tao,ayon sa teoryang ito,nang hindi sinasadya ay napabulalas sila bunga ng mga masisidhing damdamin tulad ng sakit,tuwa,sarap,kalungkutan,takot,pagkabigla at iba pa.
3. Teoryang Yo-he-ho.Pinaniniwalaan ng mga nagmungkahi ng teoryang ito na ang tao ay natutong magsalita bunga diumano ng kanyang pwersang fisikal.
4. Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay.Ayon sa teoryang ito,ang wika raw ng mga tao ay nag-ugat sa mga tunog na kanilang ililikha sa mga ritwal na ito na kalauna’y nagpapabagu-bago at nilapatan ng iba’t-ibang kahulugan.
5. Teoryang Ta-ta.Ayon naman sa teoryang ito,ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa bawat partikular na okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at kalauna’y magsalita.
6.Teoryang Ding-dong.Ayon sa teoryang ito,sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng bagay-bagay sa paligid.Ngunit ang teoryang ito ay hindi limitado sa mga kalikasan lamang kungdi maging sa mga bagay na likha ng tao.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento