Martes, Marso 27, 2012

Kahalagahan ng Paghinang ng kasanayan sa Mabisang Pagsasalita

Ang isang epektibong magsalita sa harap ng pangkat ng mga tao ay higit na madaling nakakakuha ng respeto ng ibang tao.Samakatuwid,ang isang taong kulang ang kasanayan sa pagsasalita ay mahihirapang ikintal sa isipan ng ibang tao ang kanyang halaga at natatanging katauhan.Pinatutunayan ng kasaysayan kung paanong ang kabiguan maipahayag ang sarili nang efektibo ay kadalasan pa ngang nagbubunga ng pagguho ng mga pangarap na isang tao.Ang mga pangunahing pinunong natanyag sa kasaysayan ng daigdig ay may isang katangiang ipinagkatulad sa isa't-isa.Lahat sila'y may mataas na antas ng kakayahang magpahayag ng ideya na kanilang maging kasangkapan upang umakit ng mga tagahanga at tagasunod.Ang mga pinakamahusay na guro,mga tanyag na tagapamayapa at maging ang mga kilalang rebelde lahat sila'y may maunlad na kasanayang mag-isip at magpahayag sa pananalita sa harap man ng maliliit o malalaking pangkat ng tagapakinig.Ngunit ang kasanayang nagpatanyag at napaunlad sa kanilang lahat ay isang kasanayang maaaring linangin ng sino mang indibidwal sa kanyang sarili.

 Mga Pangangailangan sa Mabisang Pagsasalita

 Ang mabisang komunikasyon ay nakasalalay nang malaki sa mga partisipant nito.Kung gayon,malaki ang inpluwensya ng mabisang pagsasalita sa epektibong proseso ng komunikasyon.Maraming iminumungkahi ang ibang manunulat na di umano'y mga katangiang dapat taglayin ng isang mabisang tagapagsalita.Sa pagtatalakay na ito,nilimita lamang ang mga katangiang iyon sa tatlong pinakabatayan ng iba pa. • KAALAMAN-You cannoy say what you do not know.Kung gayon,upang maging isang epektibong tagapagsalita,kailangang may sapat kang kaalaman hinggil sa iba't-ibang bagay.Kailangang alam mo ang paksa ng isang usapan.Hindi magiging kapani-paniwala kung nahahalata kang parang nangangapa sa iyong pagsasalita sapagkat hindi mo alam o kulang ang iyong kaalaman sa paksang tinalakay.

 • KASANAYAN-Ang pagsasalita ay isa sa apat na makrong kasanayan.Kung gayon,katulad ng iba pang kasanayang pangkomunikasyon,ang pagsasalita ay isang kasanayang maaaring linangin.Minsan,kailangang din maglarawan o mangatwiran o magpaliwanag.Kung gayon,isang pangangailangan ang pagkakaroon ng kasanayan sa paggamit ng mga genre.

 • TIWALA SA SARILI-isa ring mahalagang pangangailangan ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili ng isang tagapagsalita.Ang isang taong walang tiwala sa sarili ay karaniwang nagiging kimi o hindi palakibo.Mapilitan man siyang magsalita paminsan-minsan,inilalantad naman ng kanyang panginginig o paninigas o pag-iwas ng tingin,o labis na pagpapawis ang kakulangan niya o kawalan ng tiwala sa sarili.Madalas din silang kabado lalo na sa harap ng pangkat ng tagapakinig o sa harap ng publiko.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento